Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 9/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • “Mga Sakit na Kaugnay ng Pagkain”—Tugon ng Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1991
  • Balbas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2004
  • Buhok
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 9/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Balbas ni Jesus Ipinakita ng inyong mga ilustrasyon sa inyong serye na “Jesus​—Ano ba Talaga ang Hitsura Niya? Ano Na Siya Ngayon?” (Disyembre 8, 1998), na sinuway ni Jesus ang kautusan na binabanggit sa Levitico 19:27: “Huwag ninyong gugupitin nang maikli ang buhok sa palibot ng inyong ulo, at huwag mong sisirain ang dulo ng iyong balbas.” Bakit hindi siya inilalarawan ng inyong mga ilustrasyon na may di-ginupit na buhok sa palibot ng ulo?

C. S., Inglatera

Maliwanag na ang kautusang ito’y ibinigay upang hadlangan ang mga Judio na gupitin ang kanilang mga balbas o buhok sa paraan na tutulad sa ilang kaugaliang pagano. Gayunman, ang kautusan ng Diyos ay hindi nangangahulugan na hindi na maaaring gupitin ng mga Judio ang kanilang balbas o buhok sa mukha. Ipinakikita ng ulat sa 2 Samuel 19:24 na pangkaraniwan nang “inaasikaso,” o ginugupit ng mga lalaking Judio ang kanilang buhok sa mukha. Kung hanggang saan nila ginagawa ito ay depende sa umiiral na kaugalian. Ipinakikita ng katibayang pang-arkeolohiya na ang mga Judio ay may iba’t ibang istilo ng balbas sa nakalipas na mga dantaon. Kaya ang aming artistikong mga larawan ni Jesus na may maikli at ginupit na buhok sa palibot ng mukha ay kasuwato ng ebidensiya.​—ED.

Banggaan ng Asteroid Sa labas ng Enero 22, 1999, may artikulong pinamagatang “Ang mga Asteroid, Kometa, at ang Lupa​—Magbabanggaan Kaya?” Maraming salamat sa artikulong ito. Nagbigay ito ng kapani-paniwalang paliwanag hinggil sa potensiyal na mga panganib sa lupa. Dahil kay Jehova, wala pang nangyaring kasakunaan. Pinahahalagahan ko ang pagkatuwiran at pagkamatapat ng artikulo.

O. R., Finland

Mga Sakit na Nauugnay sa Pagkain Literal na iniligtas ninyo ang aking buhay sa pamamagitan ng serye sa Enero 22, 1999, na “Ano ang Nasa Likod ng mga Sakit na Nauugnay sa Pagkain?” Mayroon akong malubhang problema tungkol dito 20 taon na ang nakalipas. Pagkatapos, sa nakalipas na sampung taon o mahigit pa, napanatili ko ang isang normal na timbang. Subalit, kamakailan ay dumanas ako ng panlulumo at nabawasan ako ng limang kilo sa loob ng 16 na araw. Nagsimula akong mabulunan tuwing susubo ako ng pagkain. Talagang natatakot ako sa aking kahihinatnan. Tinulungan ako ng mga artikulo na seryosong pag-isipan ang aking kalagayan at maging determinado na kumain ng tamang pagkain. Mula sa kaibuturan ng aking puso, salamat sa iyong mapagmalasakit at maibiging mga artikulo.

P. M., Estados Unidos

Nang basahin ko ang mga artikulong ito, napaiyak ako. Waring ito’y sadyang isinulat para sa akin. Inantig nito ang aking puso at tinulungan akong maunawaan na kung patuloy akong mananalig kay Jehova, gagaling ako sa karamdamang ito.

G. G., Puerto Rico

Ako po’y 14 anyos at gusto ko pong magpasalamat nang labis sa mga artikulo tungkol sa mga sakit na nauugnay sa pagkain. Dumanas po ako ng unang mga yugto ng bulimia. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, yamang hindi nakatulong sa akin kahit na ang mga aklat na tumatalakay sa problemang ito. Napansin ng aking mga magulang ang aking situwasyon at ipinakipag-usap sa akin ang tungkol sa mga artikulo. Maraming salamat.

N. H., Alemanya

Mga isang taon at kalahati na ang nakalipas, dumanas ako ng bulimia. Akala ko’y mataba ako, kahit na hindi naman ako sobra sa timbang. Alam kong ang labis na pagkain at saka pagpupurga ay masama, subalit hindi ko ito maihinto. Sa tulong ni Jehova at sa pamamagitan ng pampatibay-loob mula sa mga matalik na kaibigan, bumuti ako. Talagang nakatulong sa akin ang mga artikulong ito. Naunawaan ko na hindi lamang ako ang may ganitong problema.

M. R., Inglatera

Nakipag-aral ako ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova sa loob ng dalawang taon subalit huminto ako dahil sa panlulumo. Dumanas ako ng bulimia. Yamang ako’y patuloy na ginagamot, balak kong ipamahagi ang magasing ito sa aking mga doktor at kapuwa pasyente. Umaasa akong muli akong makapag-aaral ng Bibliya.

V. K., Czech Republic

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share