Isang Larawan na Hindi Niya Nalilimutan
NASUMPUNGAN ni Karen, isang Saksi ni Jehova sa loob ng mahigit nang dalawang dekada, na ang kaniyang ama ay hindi kailanman naging interesado na makipag-usap sa kaniya tungkol sa relihiyon. Gayunman, kamakailan lamang ay nagbago ito. Gumugol siya ng panahon sa ospital upang magpagaling mula sa operasyon. Isang araw, dahilan sa labis na pagkabagot, binasa niya ang isang buong pahayagan. Siya ay nagimbal. Pagkaraan, nang makauwi na ng bahay, tinawagan niya ang kaniyang anak na babae. Isinalaysay ni Karen: “Sinabi sa akin ni Tatay sa telepono, ‘Karen, ang daigdig ay patungo na sa pagkawasak.’ Siya ay lalo nang nabalisa sa mga paraan ng pagmamaltrato sa mga bata.
“Bago pa ako nagkaroon ng pagkakataon na patibayin siya, agad niyang sinabi: ‘Dalawang babae ang pumunta sa bahay sa araw na ito. Kadalasan nang nasa hardin ako sa likod-bahay, pero natagpuan nila ako nang ako ay nasa harapang bakuran. Ipinakita ng isa sa mga babae ang larawan ng isang magandang hardin. Nais ko sanang sabihin sa kaniya, “Buweno, dapat mong makita ang aking likod-bahay—napakagandang hardin nito,” ngunit hindi ko ginawa iyon. Pagkatapos ay sinabi niyang hindi na magtatagal ang buong daigdig ay magkakaroon ng kapayapaan. Sinabi pa niyang ito’y magiging katulad ng harding iyon sa larawan, na tatamasahin ng lahat. Hindi ko kinuha ang aklat. Ngunit pag-alis nila, hindi ko makalimutan ang larawang iyon. Patuloy kong inisip ang tungkol dito at ang ideya ng kapayapaan para sa lahat. Alam mo ba ang aklat na aking tinutukoy? Maikukuha mo ba ako ng isang kopya?’”
Maligayang pinagbigyan ito ni Karen. Ang tinutukoy na larawan ng kaniyang ama ay siyang nakikita ninyo rito. Ang aklat ay pinamagatang Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang Hanggan. Nais ba ninyong makaalam nang higit pa hinggil sa pangako ng Bibliya na hindi na magtatagal ay gagawin ng Diyos ang lupa na isang pambuong-daigdig na hardin kung saan ang mga tao ay mabubuhay sa kapayapaan? Maaari kang makakuha ng kopya ng aklat na ito sa pamamagitan ng pagsulat at paghuhulog sa koreo ng kalakip na kupon sa direksiyong ipinakikita sa kupon o sa naaangkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Padalhan ako ng isang kopya ng aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang Hanggan.
□ Pakisuyong makipag-alam sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.