“Hindi Ako Nagsisisi”
“Wiling-wili akong magbasa ng mga diyaryo, nobela, at tula, pero hindi ako kailanman nagkainteres na magbasa ng Gumising!” isinulat ng isang lalaki mula sa hilagang Brazil. “Tuwing may darating na mga Saksi ni Jehova, isinasara ko ang pinto ng aking maliit na apartment at tumatahimik ako upang hindi sila magsuspetsa na ako’y nasa bahay. Kapag kinausap ko naman sila, iyon ay para lamang tanggapin ang mga magasin nang dali-dali hangga’t maaari at isinasaisantabi ko lamang ang mga iyon nang hindi binabasa.
“Isang araw, wala akong mabasa noon, kaya dinampot ko ang Gumising! ng Setyembre 22, 1997, na may pamagat sa pabalat na ‘Mag-ingat sa mga Manggagantso!’ Hangang-hanga ako sa maliwanag na paghaharap nito ng impormasyon at pagtuturo. Dali-dali, hinanap ko ang lahat ng kopyang kinuha ko noon na nakakalat lamang sa bahay. Pagkatapos ay nakipag-ugnayan ako sa isa sa mga Saksi ni Jehova at kumuha ako ng suskrisyon sa Gumising! Walong buwan ko na ngayong tinatanggap at binabasa ang magasin, at hindi ako nagsisisi.”
Gaya marahil ng maaasahan mo, ang mga Saksi ni Jehova ay naglalathala ng iba pang mga publikasyon na nagtutuon ng pansin sa mga paksang gustong malaman ng maraming tao. Marami ang nagtatanong: “Talaga bang minamahal ng Diyos ang mga tao? Kung gayon, bakit niya pinapayagan ang paghihirap? Matatapos pa kaya ito?” Ang mga tanong na ito ay sinasagot sa 32-pahinang brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? Maaari kang tumanggap ng isang kopya kung pupunan mo at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon sa direksiyong nasa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Padalhan ako ng isang kopya ng brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.