Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 12/22 p. 32
  • ‘Sila’y Totoong Nakapagpapasigla!’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Sila’y Totoong Nakapagpapasigla!’
  • Gumising!—1999
Gumising!—1999
g99 12/22 p. 32

‘Sila’y Totoong Nakapagpapasigla!’

KAMAKAILAN, dumalaw sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Ebina ang general manager ng isang otel na matatagpuan malapit sa isa sa internasyonal na mga paliparan sa Hapon. Waring siya’y masayang-masaya. Bakit?

Noong 1998, mahigit na 200 Saksi ang tumuloy sa otel ng manedyer sa kanilang pagpunta at pagbalik mula sa kanilang dinaluhang internasyonal na mga kombensiyon sa Aprika, Australia, Korea, at Hilagang Amerika. Nang magpulong ang mga tauhang tagapaglingkod ng otel upang repasuhin ang mga naisagawa sa nakaraang taon, sinabi nila na sa 30,000 nagiging panauhin ng otel sa bawat taon, ang mga delegadong ito sa kombensiyon ang pinakakahanga-hanga na kanilang napaglingkuran.

Kaya naman, naglakbay patungong Ebina ang manedyer ng otel upang ipahayag ang pagpapahalaga. ‘Ang mga panauhing iyon,’ aniya, ‘ay napakagagalang at iniwan nila na malinis at maayos ang kanilang mga silid. Malimit silang nagpapasalamat. Bukod dito, nagbigay sila ng nakapagpapatibay na mga salita mula sa Bibliya. Sila’y totoong nakapagpapasigla!’

Nagpatuloy pa ang manedyer: ‘Marami kaming nakikitang panauhin na nababalisa. Kaya naghahanap kami ng ilang impormasyong makatutulong sa kanila. Gusto naming makinabang sila mula sa mga turo ng Bibliya sapagkat ito’y lumilikha ng positibong impluwensiya sa buhay ng mga tao.’

Bunga nito, ang manedyer ay humiling ng tigwawalumpung kopya ng ilang publikasyon ng mga Saksi ni Jehova upang mailagay niya ang mga ito sa mga silid ng otel. Kabilang sa mga publikasyong hiniling ay ang 192-pahinang aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Kung ibig mo ng isang kopya, pakisuyong punan ang kasamang kupon at ipadala sa ibinigay na direksiyon o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Padalhan ako ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin hinggil sa isang libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share