Pinatibay Nito ang Kaniyang Pananampalataya
Isang babae sa New York State, ang sumulat tungkol sa 32-pahinang brosyur na pinamagatang Will There Ever Be a World Without War?: “Naudyukan akong sumulat upang ipaalam sa inyo kung gaano ko pinahalagahan at ikinasiya iyon. Bagaman hindi ako Judio at pinalaki ng isang inang Saksi ni Jehova, hindi pa kailanman naantig nang gayon ang damdamin ko ng isang literatura!
“Nag-alinlangan akong basahin iyon noong una dahil naisip ko na yamang tinatalakay nito ang mga paksang tangi lamang para sa mga Judio, baka mahirapan akong intindihin iyon. Nagkamali ako. Iniharap ang lahat sa maliwanag at makatuwirang paraan.”
Ang ilang mga lahi sa kasaysayan ay tiyak na dumanas ng matinding pagdurusa. Nangyari iyan sa mga Judio, lalo na noong Holocaust nang nakaraang siglo. Inaanyayahan ka naming basahin ang Will There Ever Be a World Without War? Isinasaalang-alang nito ang mga paksang tulad ng “Bakit Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?” “Pagkilala sa Tunay na Diyos—Ano ang Kahulugan Nito?” at “Sino ang Aakay sa mga Bansa Tungo sa Kapayapaan?”
Maaari kang humiling ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa direksiyong nakasulat sa kupon o sa angkop na direksiyong nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Will There Ever Be a World Without War?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.