Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 5/22 p. 32
  • Paano Dapat Disiplinahin ang mga Bata?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Dapat Disiplinahin ang mga Bata?
  • Gumising!—2002
Gumising!—2002
g02 5/22 p. 32

Paano Dapat Disiplinahin ang mga Bata?

“Lumilitaw ang mga problema kapag sinasabihan ang mga bata na sila’y mahusay anuman ang gawin nila,” ang sabi ng pahayagang National Post sa Canada. Naniniwala ang ilang magulang na ang ganitong pamamaraan ay tumutulong sa kanilang mga anak na magkaroon ng pagpapahalaga sa sarili. Gayunman, ayon sa sikologong si Roy Baumeister, “mainam ang mataas na pagpapahalaga sa sarili kung ito’y nakasalig sa tunay na tagumpay, ngunit dapat na magtuon ng pansin ang mga magulang sa pagtuturo ng pagpipigil sa sarili sa kanilang mga anak.”

Ang magulang na natatakot na magtuwid sa kaniyang anak kapag gumawa ng mali ang anak ay nagdudulot ng pinsala sa bata. Tutal, ang pagtutuwid ay isang paraan ng pagtuturo. Kaya, itinuturo nito sa isang nagkamaling bata na iwasang ulitin ang mga pagkakamali. Siyempre pa, dapat na ingatan ng mga magulang na huwag magtuwid sa paraang malupit at labis-labis kung ihahambing sa pagkakamaling nagawa. (Jeremias 46:28) Dapat nilang tiyakin na ang kanilang pagtutuwid ay hindi sobra-sobra. Sinasabi ng Bibliya: “Kayong mga ama, huwag ninyong yamutin ang inyong mga anak, upang hindi sila masiraan ng loob.”​—Colosas 3:21.

Sa Bibliya, ang pagtutuwid ay laging iniuugnay sa pag-ibig at kahinahunan, hindi sa galit at kalupitan. Ang dalubhasang tagapayo ay dapat na “maging banayad sa lahat, . . . nagpipigil sa ilalim ng kasamaan, nagtuturo nang may kahinahunan doon sa mga hindi nakahilig sa mabuti.” (2 Timoteo 2:24, 25) Kaya ang pagtutuwid ng magulang ay hindi dapat na maging isa lamang pagbubulalas ng damdamin para sa magulang. Hinding-hindi itinataguyod ng Bibliya ang mga pamamaraang nakapipinsala sa isang bata sa pisikal o emosyonal na paraan.

Milyun-milyon sa buong daigdig ang nakinabang sa publikasyong ito na may 192 pahina. Kabilang sa nakapagtuturong mga kabanata nito ang “Sanayin ang Iyong Anak Mula sa Pagkasanggol” at “Tulungan ang Iyong Anak na Tin-edyer na Sumulong.” Para sa iyong kopya, pakisuyong punan ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa direksiyong ipinakita sa kupon o sa angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito. Makatatanggap ka ng espesipikong mga mungkahi na makatutulong upang lutasin ang mga problema at gawing kalugud-lugod ang buhay pampamilya na siyang nilayon ng Maylalang.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share