Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 9/22 p. 32
  • Posible ang Maligayang Buhay Pampamilya!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Posible ang Maligayang Buhay Pampamilya!
  • Gumising!—2002
Gumising!—2002
g02 9/22 p. 32

Posible ang Maligayang Buhay Pampamilya!

ISANG 23-anyos na babae mula sa lunsod ng Maladzyechna, sa Belarus, ang sumulat sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Russia. Ipinaliwanag niya na siya’y may asawa at dalawang anak. Ganito ang isinulat niya: “Kaming mag-asawa ay nagmamahalan. Gayunman, napansin ko na habang tumatagal ang aming pagsasama, lalo kaming nagkakainisan at nagtatalo, sa mga bagay na waring walang kadahi-dahilan. Mga ilang buwan na ang nakalipas, isang estranghero ang kumausap sa akin sa kalye at binigyan ako ng isang tract na pinamagatang Tamasahin ang Buhay Pampamilya. Noong una, nakatawag-pansin sa akin ang magandang larawan ng isang maligayang pamilya. Nang maglaon ay binasa ko ang nilalaman nito at ibinigay ito sa aking asawa para basahin niya.

“Parang himala, ang aming buhay pampamilya ay hindi lamang bumuti kundi, masasabi ko, lubusan itong nagbago. Nauunawaan namin ngayon na hindi naman napakahirap ang maging maligaya. Kailangan lamang ang kaunting pagsisikap, marubdob na pagmamahal at pagbibigayan. Ang mahalaga ay ang mamuhay ayon sa mga utos ng Diyos, ibigin ang Diyos at ibigin ang mga tao, pati na ang pamilya at mga estranghero.”

Siya’y nagtapos: “Ang buhay ay naging mas nakalulugod at mas maligaya. Gusto naming patuloy na mag-aral ng Bibliya at turuan ang aming mga anak.”

Naniniwala kami na ikaw man ay makikinabang mula sa tract na Tamasahin ang Buhay Pampamilya. Malulugod din kaming isama ang 192-pahinang aklat na pinamagatang Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya. Para sa iyong kopya kapuwa ng tract at ng aklat, pakisuyong punan ang kalakip na kupon at ihulog ito sa koreo sa direksiyon na nakasaad dito o sa isang angkop na direksiyon na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng tract na Tamasahin ang Buhay Pampamilya at ng aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share