Ang Ginagampanan ng Pamahayagan
“Minsan ay nasabi ni Edward Willis Scripps, ang nagtatag ng Scripps na kompanya para sa mga pahayagan na masusumpungan sa maraming lugar, na ang ginagampanan ng pamahayagan sa Amerika ay aliwin ang mga napipighati at pighatiin ang mga nasisiyahan sa sarili nilang opinyon,” ang sabi ng dating kalihim ng pamahayagan ng White House na si Mike McCurry. Sinabi pa niya: “Hindi mo maaaring aliwin o pighatiin ang mga taong pinananatili mong walang alam.”
“Sinabi ni [McCurry] na hindi sapat ang paraan ng ating pag-unawa sa mga nangyayari sa paligid natin sapagkat hindi iniuulat ng ating pagbabalita [sa Estados Unidos] ang nangyayari sa palibot ng daigdig.” Ang nakalulungkot na bahagi ay pinaniniwala ng pamahayagan ng Estados Unidos na “ayaw ng mga mamamayang Amerikano na makabalita tungkol sa mga pangyayari sa daigdig.”—Graphic Arts Monthly.
Ang Gumising! ay may mga manunulat sa palibot ng daigdig at nilalayon nilang ipagbigay-alam sa mga mambabasa nito ang tungkol sa kasalukuyang mga pangyayari gayundin sa mga paksa hinggil sa siyensiya at lipunan. Pinatitibay nito ang pananalig sa isang maibiging Maylalang. Sa kabuuang 87 wika, 61 wika ang sabay-sabay na inilalathala at mahigit na 21 milyon ang sirkulasyon nito sa bawat labas! Manatiling gising sa pamamagitan ng pagbabasa ng Gumising!
[Larawan sa pahina 31]
Kapag Nagwakas Na ang Lahat ng Uri ng Pang-aalipin!
[Larawan sa pahina 31]
Mapagtutugma Kaya ang Siyensiya at Relihiyon?
[Larawan sa pahina 31]
Pagsusugal—Isang Di-nakapipinsalang Katuwaan Lamang ba Ito?
[Larawan sa pahina 31]
Tulong sa Binubugbog na mga Babae
[Larawan sa pahina 31]
Isang Panaginip Lamang ba ang Pandaigdig na Kapayapaan?