‘Inalis Nito ang Pag-aalinlangan Ko Tungkol sa Pangalan ng Diyos’
Iyan ang sinabi ng isang lalaking nagsasalita ng Kastila, mula sa San Diego, California, sa isang sulat na ipinadala sa tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Estados Unidos. Ganito ang paliwanag niya: “Bagaman hindi ako miyembro ng inyong organisasyon, natutuwa akong basahin ang inyong literatura. Sumulat ako sa inyo ngayon para batiin kayo. Tatlong araw na ang nakalilipas, isang brosyur na itinapon sa basurahan ang nakaagaw ng aking pansin. Dinampot ko ang babasahin, bagaman basa ito. Ito ay pinamagatang Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman. Pagkatapos patuyuin ang brosyur, sinuri ko itong mabuti.
“Ngayon lamang ako naakit ng isang publikasyon na gaya nito. Sa palagay ko’y walang ibang katulad nito sa buong mundo. Inalis nito ang lahat ng pag-aalinlangan ko tungkol sa pangalan ng Diyos. Ginagamit ko na ang nasirang kopyang ito para ituro sa aking relihiyosong mga kaibigan ang tungkol sa pangalan ng Diyos. Tinatanong ko sila, ‘Ano ang pangalan ng Diyos?’ pero hindi sila makasagot! Pagkatapos ay ipinakikita ko sa kanila ang brosyur. Pakisuyong padalhan ninyo ako ng tatlong bagong kopya sa wikang Kastila.”
Maaari kang humiling ng kopya ng 32-pahinang brosyur na Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman kung pupunan mo ang kasamang kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na inilaan o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.