Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g04 5/8 p. 31
  • Ayokong Manigarilyo!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ayokong Manigarilyo!
  • Gumising!—2004
  • Kaparehong Materyal
  • “Hindi Ako Namatay”
    Gumising!—2011
  • Maskil
    Glosari
  • Ang Gumising! ay Tumutulong sa mga Maninigarilyo na Ihinto ang Bisyo!
    Gumising!—1992
  • Aklat ng Bibliya Bilang 25—Mga Panaghoy
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
Iba Pa
Gumising!—2004
g04 5/8 p. 31

Ayokong Manigarilyo!

IBINIGAY ang paksang iyan sa daan-daang estudyante na nakibahagi sa pambuong-estadong paligsahan sa pagsulat na tinustusan ng Missouri State Medical Association (MSMA) sa Estados Unidos. Mga 675 estudyante mula sa 42 paaralan ang nakibahagi. Ipinagkaloob ang gantimpala sa 12-taóng-gulang na si Breanna, at inilathala ang kaniyang nagwaging tula sa babasahing Missouri Medicine ng MSMA. Nagkaroon din ng pagkakataon si Breanna na basahin ang kaniyang tula sa mga delegadong dumalo sa taunang kombensiyon ng MSMA. Bago niya binasa ang tula, sinabi ni Breanna sa kaniyang mga tagapakinig:

“Ako po ay isang Saksi ni Jehova, at ang lahat ng impormasyong nasa tula ay nanggaling sa magasing Gumising! Sa katunayan, ang ideya sa isa sa paborito kong bahagi ng tula ay galing sa harapang pabalat ng isyung ito. Ipinakikita po nito ang isang bungo na may sigarilyong nakausli sa bibig nito at nagsasabi: ‘Kamatayang Ipinagbibili.’ Sa loob ng maraming taon, marami na pong artikulo ang inilathala ng magasing Gumising! hinggil sa mga panganib ng paninigarilyo.”

Iniiwasan ng mga Saksi ni Jehova ang paggamit ng tabako. Naniniwala sila na ang sadyang paggamit ng anumang produktong nagpaparumi sa katawan ay nagpapakita ng kawalang-galang sa kaloob na buhay at sa Maylalang. (Gawa 17:24, 25) Kaya naman, sinusunod nila ang maka-Kasulatang paalaala: “Linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karungisan ng laman at espiritu.”​—2 Corinto 7:1.

Katulad ng iba pang mga kabataang Saksi, sinisikap ni Breanna na mamuhay ayon sa mga simulain ng Bibliya. Tiyak na pinasasaya ng lahat ng gayong mga kabataan ang puso ng kanilang Maylalang.​—Kawikaan 27:11.

[Larawan sa pahina 31]

Hawak ni Breanna (na 14 na taóng gulang na ngayon) ang kaniyang tula

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share