Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 3/8 p. 31
  • ‘Isang Babasahing Sinusuportahan ng Diyos’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Isang Babasahing Sinusuportahan ng Diyos’
  • Gumising!—2005
Gumising!—2005
g05 3/8 p. 31

‘Isang Babasahing Sinusuportahan ng Diyos’

ISANG lalaking nakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova sa Nigeria ang dumalo sa isang seminar na inorganisa ng Inter-African Committee on Women and Children. Nagdala siya ng dalawang kalilipas na kopya ng Gumising!

Sa unang araw ng seminar, napansin ng lalaki na ang mga puntong ginagamit ng tagapagsalita ay mula sa isa sa mga magasing dala niya. Ang seryeng itinampok sa pabalat ay pinamagatang “Sulit ang Mabuhay.” (Oktubre 22, 2001) Kaya agad niyang kinuha ang kaniyang kopya at sinubaybayan sa magasin ang mga detalyeng binabanggit ng tagapagsalita.

Sa pagwawakas ng araw, isang abogado na magbibigay ng lektyur kinabukasan ang nakakita sa pabalat ng isa pang isyu ng Gumising! na dala ng estudyante sa Bibliya, na ang itinampok na serye ay “Tulong Para sa mga Babaing Binubugbog.” Gusto itong hiramin ng abogado. Nang gabing iyon, itinapon niya ang kaniyang ginawang lektyur at naghanda ng panibago salig sa mga artikulo ng Gumising! Kinabukasan, habang naglelektyur ang abogado, isang babaing nakaupo sa hanay ng inuupuan ng estudyante sa Bibliya ang naglabas ng kaniyang isyu ng Gumising! at sinubaybayan sa magasin ang mga detalyeng binabanggit ng abogado.

Ang mismong estudyante sa Bibliya ay nakapagbigay ng mahahalagang punto sa mga talakayan sa seminar dahil sa pagbabasa ng mga artikulo sa Gumising! ‘Wala akong pag-aalinlangan,’ ang sabi niya, ‘na ang babasahing ito ay sinusuportahan ng Diyos.’

Nais mo bang regular na makatanggap ng babasahing ito sa inyong tahanan? Bakit hindi hilingin sa isa sa mga Saksi ni Jehova na isaayos ito para sa iyo?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share