“Napakaganda Nito!”
◼ Isang guro ng heograpiya sa Brazil ang napahanga sa kahalagahan ng Gumising! sa pagtuturo. Ganito ang isinulat niya: “Mas marami akong nagagamit na impormasyon sa pagtuturo mula sa magasing ito kaysa sa maraming publikasyong dinisenyo para sa mga guro. Bagaman iba ang aking relihiyosong mga paniniwala, sang-ayon na sang-ayon ako sa mga simulaing ipinababatid ng Gumising!”
Gayunman, nalaman ng gurong ito na isa lamang pala ang Gumising! sa maraming publikasyong inilalathala ng mga Saksi ni Jehova. Ganito ang isinulat niya: “Isa sa mga estudyante sa ikaanim na baitang ang nagpahiram sa akin ng brosyur na ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain.’ Humanga ako sa kalidad ng impormasyon. Napakaganda nito! Ang pag-aaral sa Bibliya ay nagiging mas makabuluhan, lalo na para sa mga kabataan, kapag nailalarawan sa isip ang mga pangyayari sa Bibliya at natutukoy ang pinangyarihan ng mga ito.”
Ganito pa ang sinabi niya: “Makikita kahit saan ang mga publikasyon ninyo: sa bus, sa mga estudyante, at maging sa pila sa bangko. Natutuwa ako na nakararating ang mga ito sa nangangailangang mga komunidad kung saan napakahirap makakuha ng mapananaligang impormasyon. Binabati ko kayo sa napakahusay ninyong akda.”
Makukuha ang ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’ sa mga 80 wika. Napakarami nitong makukulay na mapa at larawan na nagpapakita ng iba’t ibang lugar sa daigdig noong panahon ng Bibliya, pati na ang Lupang Pangako sa iba’t ibang yugto ng panahon. Makakakuha ka ng kopya ng 36-na-pahinang brosyur na ito kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nakalaan o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain.’
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Brochure covers: Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.