Tinutulungan Sila Nito na Magkaroon ng Mas Makabuluhang Buhay
◼ Marami ang naantig sa pagbabasa ng aklat na “Halika Maging Tagasunod Kita.” “Mas totoo na ngayon si Jesus para sa akin,” ang sabi ng isang babae. “Mas naiintindihan ko na ang kaniyang papel. Gusto kong magkaroon ng mas makabuluhang buhay ngayon at makibahagi sa pangangaral ng mabuting balita na kailangang-kailangan ng mga tao.”
Isang ama ang sumulat: “Tinulungan ako ng aklat na ito na makita ang kahalagahan ng pagtulad sa sakdal na halimbawang iniwan ni Jesus para sa atin . . . Tinulungan din ako nito na bulay-bulayin ang mga turo ni Jesus at ang mga katangiang ipinakita niya samantalang nasa lupa—kapakumbabaan, pag-ibig, mahabang-pagtitiis, pagkamasunurin, at pagtitiyaga. Ang mahusay na halimbawang iniwan ni Jesus ay nagbigay sa akin ng lakas ng loob na magpatuloy.”
Isa pang mambabasa ang sumang-ayon sa mensahe sa pabalat sa likod na nagsasabi: “Si Jesu-Kristo ang ibinigay ng Diyos na Lider na kailangan ng bawat tao. . . . Tutulungan ka ng aklat na ito upang higit mong makilala at masundan si Jesus.” Saka sinabi ng mambabasa, “Talagang tinutulungan tayo ng aklat na ito na ibigin si Jesus, manampalataya sa kaniya, at sundin at tularan siya.”
Ang aklat na “Halika Maging Tagasunod Kita” ay may 192 pahina, kasali na ang 13 buong-pahinang makukulay na larawang nagpapakita sa iba’t ibang pangyayari sa buhay ni Jesus sa lupa. Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.