Isang Gabing Dapat Alalahanin
Magkita-kita Tayo—Huwebes Abril 9, 2009
Noong gabi bago siya mamatay, pinasinayaan ni Jesu-Kristo ang Memoryal ng kaniyang kamatayan gamit ang alak at tinapay na walang pampaalsa bilang mga sagisag. Iniutos ni Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”—Lucas 22:19.
Malugod kang inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova sa kanilang pagdiriwang ng taunang okasyong ito bilang pagsunod sa utos ni Jesus. Pakisuyong magtanong sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para malaman kung saan at anong oras ito gaganapin.