Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 12/09 p. 32
  • Matatag sa Kaniyang Paniniwala

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Matatag sa Kaniyang Paniniwala
  • Gumising!—2009
Gumising!—2009
g 12/09 p. 32

Matatag sa Kaniyang Paniniwala

◼ Si Morgan ay pitong taóng gulang at nasa unang baytang. Isang kapaskuhan kamakailan, ang klase nina Morgan ay naatasang magbasa ng kuwento tungkol sa Pasko. Muling binanggit ni Morgan sa kaniyang guro na hindi kaayon ng Bibliya ang pagdiriwang na ito. Pinayagan siya ng kaniyang guro na magbasa ng kuwentong di-labag sa kaniyang budhi.

Di-nagtagal, isang parangal ang ginanap sa kanilang paaralan, at inanyayahan ang pamilya ni Morgan. Nagulat si Morgan nang bigyan siya ng parangal dahil sa panghahawakan niya sa kaniyang paniniwala. Nang tanungin kung paano siya nakapag-ipon ng gayong lakas ng loob, ipinaliwanag niya na sama-samang binabasa ng kanilang pamilya ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro, na naglalaman ng mga aral tungkol sa buhay at turo ni Jesu-Kristo.

Ang 256-na-pahinang aklat na ito, na may makukulay na larawan, ay makakatulong sa mga magulang na malaman ang niloloob ng kanilang mga anak. Ang ilan sa mga kabanata nito ay “Kung Bakit Hindi Tayo Dapat Magsinungaling,” “Natutuwa ba ang Diyos sa Lahat ng Party?,” at “Tulong Para Madaig ang Ating Takot.”

Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share