Pinahahalagahan Nila ang Pag-ibig ng Diyos
● Tinuruan tayo ni Jesus na pahalagahan ang pag-ibig ng Diyos. Sinabi niya: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak [si Jesus], upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16) Ang pag-ibig ng Diyos sa atin at ang napakagandang pag-asang inilaan niya sa pamamagitan ng kaniyang Anak ay itinatampok sa aklat na Maging Malapít kay Jehova.
Isang babae sa Florida, E.U.A., ang sumulat: “Pagkabasa ko sa kabanata 5, talagang napahanga ako sa pag-ibig, karunungan, at kapangyarihan ni Jehova. Habang pinag-iisipan ko ang tungkol sa mga lalang niya, lalong sumisidhi ang pagmamahal ko sa kaniya.” Sinabi naman ng isang babaing taga-South Dakota, E.U.A.: “Sa loob ng 30 taon, hiráp akong magpakita ng pagmamahal (o makadamang minamahal ako). Walang ibang aklat na nakatulong sa akin na gaya nito.”
Ipinaliliwanag sa 320-pahinang aklat na Maging Malapít kay Jehova ang pangunahing mga katangian ng Diyos—kapangyarihan, katarungan, karunungan, at pag-ibig. Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng aklat na ito nang walang obligasyon.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.