Nakatulong Ito sa Akin na Maalis ang Masamang Bisyo
● Noong nakaraang taon, inilabas ang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1. Sa pahina 180, ipinaliwanag ang Kawikaan 24:16, na nagsasabing ang matuwid ay maaaring mabuwal nang pitong ulit pero babangon pa rin. Nakinabang dito nang malaki ang isang kabataan, na nagsabi: “Natulungan ako ng larawan sa pahinang iyon na makitang alam ng Diyos ang pagsisikap kong daigin ang aking masamang bisyo. . . . Natutuhan ko sa aklat na ito na puwede kong gawing mas espesipiko ang panalangin ko at hilingin sa Diyos na tulungan akong huwag madama na ako’y walang kuwenta. Kaya nananalangin ako sa kaniya kapag natutukso sa gayo’y napaglalabanan ko ang aking masamang bisyo.
“Nabuwal man ako nang mahigit 77 ulit sa nagdaang mga taon, alam kong mapagtatagumpayan ko ang aking problema. Hindi ko na nadaramang ako ang pinakamakasalanang tao sa mundo.”
Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng aklat na ito nang walang obligasyon.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.