Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 9/14 p. 16
  • Ang Sensitibong Neuron ng Balang

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Sensitibong Neuron ng Balang
  • Gumising!—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Balang
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Malapit Na ang Araw ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2014
  • Kung Kailang Lumilipad ang mga Balang
    Gumising!—1985
Iba Pa
Gumising!—2014
g 9/14 p. 16
Mga balang na nandarayuhan

MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Sensitibong Neuron ng Balang

KAPAG nandarayuhan ang mga balang, para silang malaking hukbo na umaabot ng mga “80 milyong balang bawat kilometro kuwadrado.” Pero hindi sila nagbabanggaan. Ano ang kanilang sekreto?

Pag-isipan ito: Ang balang ay may dalawang masalimuot na mata. Sa likod ng bawat mata, may neuron na sensitibo sa galaw. Tinatawag itong lobula giant movement detector (LGMD). Kapag may posibilidad na magkaroon ng banggaan, ang mga neuron ay magpapadala ng mensahe sa pakpak at binti ng balang para kumilos ito agad. Sa katunayan, ang reaksiyong ito ay mas mabilis nang limang beses kaysa sa isang kisap-mata.

Dahil sa natuklasan ng mga siyentipiko tungkol sa mga mata at neuron ng balang, nakabuo sila ng computerized system na tumutulong sa mga mobile robot na madetek at maiwasan ang papalapit na mga bagay, nang hindi gumagamit ng komplikadong radar o infrared detector. Ginagamit ng mga mananaliksik ang teknolohiyang ito sa mga sasakyan para magkaroon ang mga ito ng mabilis at maaasahang warning system upang mabawasan ang banggaan. “Napakarami nating matututuhan sa simpleng insekto na gaya ng balang,” ang sabi ni Propesor Shigang Yue ng University of Lincoln sa United Kingdom.

Ano sa palagay mo? Ang mga neuron ba ng balang, na sensitibo sa galaw, ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share