Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman!
Nilimbag ang pulyetong ito upang tulungan ka na makilala kung sino ang gumawa sa lupa at sa lahat ng narito. Malalaman mo na ang Diyos, na gumawa ng lupa, ay may pangalan. Ipinaliliwanag din namin dito kung bakit ginawa ng Diyos ang tao at kung paano ka magtatamasa ng buhay sa lupa magpakailanman.
Sana’y matulungan ka ng maraming larawan upang maguniguning mabuti ang mga bagay na ito. Para makinabang ka nang husto, basahin mo ang mga teksto sa Bibliya na binanggit sa tabi ng karamihan ng larawan. Sa gayon, mababasa mo para sa sarili mo ang ilan sa magagandang pangako ng Diyos na dapat mong gawin para kamtin mo ang katuparan ng mga pangakong ito.
Baka ibig mo pang gamitin ang pulyetong ito upang tulungan ang iba. Kung may mga anak ka, magagamit mo ito upang tulungan sila na makilala ang Diyos. Kung nakatira ka sa isang bansa na doo’y maraming tao na hindi makabasa, magagamit mo ang mga larawan upang tulungan sila na makaunawa ng mga layunin ng Diyos upang matulungan naman nila ang kanilang kapuwa.
Kami’y taimtim na umaasang sa pag-aaral mo ng impormasyong ito ay mabubuksan ang daan upang tumanggap ka ng maraming pagpapala, at matuturuan mo pa ang iba kung paano sila mabubuhay magpakailanman dito sa lupa.