Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • je p. 3
  • Ibig Naming Makatulong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ibig Naming Makatulong
  • Mga Saksi ni Jehova—Nagkakaisang Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig
Mga Saksi ni Jehova—Nagkakaisang Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig
je p. 3

Ibig Naming Makatulong

Ang brosyur na ito ay inilaan upang higit na maalaman ninyo ang mga gawain ng mga Saksi ni Jehova at ang kanilang kaayusan na tulungan kayo na mapasulong ang inyong kaalaman sa Bibliya. Marahil kayo ay nadalaw na ng mga Saksi ni Jehova, o nakausap ninyo sila sa lansangan o sa mga ibang lugar. Baka isa sa mga Saksi ay nakikipag-aral ngayon sa inyo.

Alam ba ninyo na ang kanilang balita tungkol sa Kaharian ng Diyos ay ipinangangaral sa buong daigdig? Bakit? Sapagka’t ang Diyos, ang ating Maylikha, ay ibig na ang mga tao sa lahat ng bansa ay magkaisa sa pagsamba sa kaniya. Kaniyang inihula para sa panahon natin: “Maraming bayan ang tiyak na paparoon at magsasabi: ‘Halikayo, kayong mga tao, at umahon tayo sa bundok ni Jehova, sa bahay ng Diyos ni Jacob; at tayo’y kaniyang tuturuan sa kaniyang mga daan, at tayo’y lalakad sa kaniyang mga landas.’ ”​—Isaias 2:2, 3.

Ang ginagawa ng mga Saksi ni Jehova na pagbabalita sa inyo tungkol sa mga daan ng Diyos ay katuparan ng hulang ito. Ang sumusunod na mga pahina ang magpapakita kung bakit ang gawaing ito ay mahalaga ngayon at paano kayo makikinabang dito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share