Pabalat sa Likod
ANG MAKABAGONG DAIGDIG ay puno ng mga suliranin. Ang mga pag-aasawa ay nawawasak. Laganap ang karahasan sa pamilya. Daan-daang milyon ang nagugutom. Palasak ang krimen. Mailap ang kapayapaan at katiwasayan. Bakit ganito ang daigdig? Mayroon bang anumang lunas? Ang Bibliya ay hindi lamang nagbibigay ng sagot sa mga tanong na ito kundi naglalaan din ng patnubay sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung gayon, hindi ba dapat tayong maging interesado sa sinasabi ng Bibliya?
Ang ilang tao ay naniniwalang ang Bibliya ay isa lamang kalipunan ng mga alamat, mga kathá-kathâ, at katutubong karunungan. Gayunman, ang iba ay naniniwalang ang Bibliya ay ang kinasihang Salita ng Diyos. Aling punto-de-vista ang tama? Ang aklat na ito, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?, ay tutulong sa inyo upang masagot ang katanungang iyan. Inaanyayahan namin kayong isaalang-alang sa ganang sarili ang mga katibayan. Ang paggawa nito ay maaaring magpabago sa inyong buhay magpakailanman.