Pabalat sa Likod
ANG ARAW NI JEHOVA . . . ang tema na paulit-ulit na binabanggit sa huling 12 aklat ng Hebreong Kasulatan. Maraming tao ang di-pamilyar sa makahulang mga aklat na iyon, ngunit masusumpungan mo sa mga ito ang praktikal na impormasyong magagamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay. Alam mo ba kung paano? At paano makatutulong sa iyo ang mga aklat ding ito upang maging handa ka sa dakilang araw ni Jehova?