Introduksiyon
May lumalang ba sa buhay o nagkataon lang na umiral ka? Napakakontrobersiyal ng tanong na ito. Gayunman, napakahalagang malaman ang sagot dito. Tinatalakay ng brosyur na ito ang sagot sa sumusunod na mga tanong:
Dinisenyo ba ang lupa para sa buhay?
Ano ang matututuhan natin sa mga disenyong makikita sa kalikasan?
Batay ba sa matibay na ebidensiya ang turo ng ebolusyon?
Sinasalungat ba ng siyensiya ang ulat ng Bibliya sa paglalang?
Bakit mahalaga kung ano ang pinaniniwalaan mo?