Interfaith
Iisang Diyos lang ba ang sinasamba ng lahat ng relihiyon?
Katanggap-tanggap ba kay Jehova ang lahat ng relihiyon, kahit magkakaiba ang itinuturo nila?
Mat 7:13, 14; Ju 17:3; Efe 4:4-6
Halimbawa sa Bibliya:
Jos 24:15—Sinabi ni Josue na dapat tayong pumili kung sino ang paglilingkuran natin, kung si Jehova o ang ibang mga diyos
1Ha 18:19-40—Sa pamamagitan ni propeta Elias, ipinakita ni Jehova na ang mga sumasamba sa tunay na Diyos ay hindi dapat sumamba sa ibang mga diyos, gaya ni Baal
Ano ang tingin ni Jehova sa mga diyos ng mga bansa at sa pagsamba sa kanila?
Ano ang nararamdaman ni Jehova sa pagsambang mukhang para sa kaniya pero hinahaluan ng mga gawaing ayaw niya?
Isa 1:13-15; 1Co 10:20-22; 2Co 6:14, 15, 17
Halimbawa sa Bibliya:
Exo 32:1-10—Napilit ng mga Israelita si Aaron na gumawa ng estatuwang guya; kahit sinabi nilang para ito sa “kapistahan para kay Jehova,” galit na galit si Jehova
1Ha 12:26-30—Para mapigilan ang bayan na pumunta sa templo sa Jerusalem, gumawa si Haring Jeroboam ng mga idolo at sinabing kumakatawan ito kay Jehova; dahil dito, nagkasala ang bayan
Ano ang itinuro ni Jehova sa mga Israelita tungkol sa pakikisama sa mga sumasamba sa ibang mga diyos?
Ano ang ginawa ni Jehova nang makibahagi ang bayan niya sa pagsamba sa ibang mga diyos?
Huk 10:6, 7; Aw 106:35-40; Jer 44:2, 3
Halimbawa sa Bibliya:
1Ha 11:1-9—Dahil sa mga asawang banyaga ni Haring Solomon, sumunod siya sa ibang mga diyos at ganiyan din ang ginawa ng bayan, kaya nagalit si Jehova
Aw 78:40, 41, 55-62—Sinabi ni Asap na dahil sa pagrerebelde at idolatriya ng Israel, nasaktan si Jehova at itinakwil ang bayan
Sinusuportahan ba ni Jesus ang mga relihiyosong turo na hindi kaayon ng Salita ng Diyos?
Halimbawa sa Bibliya:
Mat 16:6, 12—Tinawag ni Jesus na lebadura ang turo ng mga Pariseo at mga Saduceo dahil gaya ng lebadura na nagpapaalsa sa buong masa, mabilis ding kumakalat ang mga maling turo at pinipilipit nito ang katotohanan sa Salita ng Diyos
Mat 23:5-7, 23-33—Hinatulan ni Jesus ang pagkukunwari at maling turo ng mga eskriba at mga Pariseo
Mar 7:5-9—Inilantad ni Jesus ang mga eskriba at mga Pariseo dahil mas iginagalang pa nila ang tradisyon ng mga tao kaysa sa Salita ng Diyos
Gusto ba ni Jesus na bumuo ang mga tagasunod niya ng magkakahiwalay na relihiyon?
Halimbawa sa Bibliya:
Ju 15:4, 5—Ginamit ni Jesus ang punong ubas para ipakitang ang mga tagasunod niya ay dapat manatiling kaisa niya at ng mga kapuwa nila Kristiyano
Ju 17:1, 6, 11, 20-23—Kasama ni Jesus ang mga apostol noong gabi bago siya mamatay, at ipinanalangin niya na magkaisa ang lahat ng tunay na tagasunod niya
Pare-pareho ba ng paniniwala at paraan ng pagsamba kay Jehova ang iba’t ibang kongregasyon noong unang siglo?
Halimbawa sa Bibliya:
Gaw 11:20-23, 25, 26—Nagkaisa at nagtulungan ang mga kongregasyon sa Antioquia at Jerusalem
Ro 15:25, 26; 2Co 8:1-7—Naging bukas-palad ang mga kongregasyon noong unang siglo at tinulungan nila ang mga nangangailangan; ipinapakita nito na pinagkakaisa ng pag-ibig ang mga kongregasyon
Katanggap-tanggap ba sa Diyos ang isang relihiyon, basta’t sinasabi nila na nananampalataya sila kay Kristo?
Kapag hindi sinusunod ng isang mananamba ang mga turo ni Kristo at ng mga apostol, katanggap-tanggap ba ang pagsamba niya?
Halimbawa sa Bibliya:
Mat 13:24-30, 36-43—Gumamit si Jesus ng isang ilustrasyon para ipakitang gaya ng panirang-damo na tumutubo sa bukid, maraming huwad na Kristiyano ang lilitaw at papasok sa kongregasyon
1Ju 2:18, 19—Sinabi ng may-edad nang si apostol Juan na marami nang antikristo ang lumitaw sa pagtatapos ng unang siglo