Pag-aasawa
Paano nagsimula ang pag-aasawa?
Sino ang dapat piliin ng isang Kristiyano na maging asawa?
Bakit hindi papayagan ng isang tunay na Kristiyano na mag-asawa ang bautisadong anak niya ng isang hindi bautisadong lingkod ni Jehova?
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 24:1-4, 7—Determinado si Abraham na makapag-asawa ang anak niyang si Isaac ng babaeng naglilingkod kay Jehova, hindi ng isang Canaanita na sumasamba sa ibang mga diyos
Gen 28:1-4—Sinabi ni Isaac sa anak niyang si Jacob na huwag mag-asawa ng isang Canaanita, kundi ng isang lingkod ni Jehova
Ano ang nararamdaman ni Jehova kapag nag-asawa ng di-kapananampalataya ang isang lingkod niya?
Halimbawa sa Bibliya:
1Ha 11:1-6, 9-11—Nagalit si Jehova dahil hindi sinunod ni Haring Solomon ang mga babala Niya, nag-asawa siya ng mga banyaga, at nagpaimpluwensiya siya sa kanila na sumamba sa mga huwad na diyos
Ne 13:23-27—Gaya ni Jehova, galit na galit si Nehemias nang mag-asawa ang mga lalaking Israelita ng mga babaeng banyaga na hindi lingkod ni Jehova; dinisiplina at itinuwid niya sila
Bakit makakabuting pumili ng mapapangasawang tapat na naglilingkod kay Jehova at may magandang reputasyon?
Tingnan din ang Efe 5:28-31, 33
Halimbawa sa Bibliya:
1Sa 25:2, 3, 14-17—Mayaman si Nabal pero mabagsik siya at masama ang ugali, kaya hindi siya naging mabuting asawa kay Abigail
Kaw 21:9—Kapag nagkamali tayo sa pagpili ng mapapangasawa, baka hindi tayo maging masaya at maging magulo ang buhay natin
Ro 7:2—Ipinaliwanag ni apostol Pablo na kapag nag-asawa ang isang babae, kailangan niyang magpasakop sa awtoridad ng kaniyang di-perpektong asawa; kaya dapat siyang maging maingat sa pagpili ng mapapangasawa
Paghahanda sa pag-aasawa
Bakit dapat tiyakin ng isang lalaki na kaya na niyang bumuhay ng pamilya bago siya magplanong magpakasal?
Halimbawa sa Bibliya:
Kaw 24:27—Bago magpakasal at magkaroon ng anak, dapat magsumikap ang isang lalaki para mapaglaanan ang magiging pamilya niya
Bakit dapat humingi ng payo ang mga nagliligawan at magpokus sa pagkatao ng isa’t isa imbes na sa hitsura?
Halimbawa sa Bibliya:
Ru 2:4-7, 10-12—Para makilala si Ruth, inobserbahan ni Boaz kung paano ito magtrabaho. Pinakinggan din niya ang sinasabi ng mga mapagkakatiwalaang tao tungkol kay Ruth, sa pakikitungo nito kay Noemi, at sa espirituwalidad nito
Ru 2:8, 9, 20—Para makilala si Boaz, inobserbahan ni Ruth ang kabaitan nito, pagiging bukas-palad, at pagmamahal kay Jehova
Bakit hinihiling ni Jehova na manatiling malinis sa moral ang magkasintahan hanggang sa ikasal sila?
Halimbawa sa Bibliya:
Kaw 5:18, 19—May ilang ekspresyon ng pagmamahal na para lang sa mga mag-asawa
Sol 1:2; 2:6—Ipinakita ng pastol at ng babaeng Shulamita ang pagmamahal nila sa isa’t isa sa malinis na paraan
Sol 4:12; 8:8-10—Pinanatili ng babaeng Shulamita ang pagpipigil sa sarili; gaya siya ng isang nakakandadong hardin
Bakit dapat na kaayon ng batas ang kasal ng magkasintahan?
Papel ng asawang lalaki
Anong mabibigat na responsibilidad ang ibinigay ni Jehova sa mga asawang lalaki?
Kaninong halimbawa ng pagkaulo ang dapat tularan ng isang Kristiyanong asawang lalaki?
Bakit dapat na maging maunawain at mapagmahal ang asawang lalaki sa misis niya?
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 21:8-12—Sinabi ni Jehova kay Abraham na pakinggan ang asawa niyang si Sara, kahit hindi niya gusto ang mungkahi nito
Kaw 31:10, 11, 16, 28—Ang marunong na asawang lalaki ay hindi istrikto at hindi rin mapaghanap ng mali sa misis niya; sa halip, pinagkakatiwalaan niya ito at kinokomendahan
Efe 5:33—Base sa sinabi ni apostol Pablo, dapat madama ng asawang babae na mahal siya ng asawa niya
Papel ng asawang babae
Anong mahalagang responsibilidad ang ibinigay ni Jehova sa mga asawang babae?
Nakakabawas ba ng dignidad ang papel ng asawang babae?
Halimbawa sa Bibliya:
Kaw 1:8; 1Co 7:4—May bigay-Diyos na awtoridad ang asawang babae at nanay sa loob ng pamilya
1Co 11:3—Ipinaliwanag ni apostol Pablo na sa kaayusan ni Jehova, ang lahat ay nasa ilalim ng pagkaulo, maliban sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat
Heb 13:7, 17—Sa loob ng kongregasyon, ang mga lalaki at babae ay kailangang magpasakop at sumunod sa mga inatasang manguna
Kung di-Saksi ang asawa ng isang Kristiyanong babae, paano niya mapapasaya si Jehova?
Bakit dapat igalang ng isang Kristiyanong babae ang asawa niya?
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 18:12; 1Pe 3:5, 6—May matinding paggalang si Sara sa asawa niya; tinawag pa nga niya itong “panginoon” sa isip niya
Anong uri ng asawang babae ang kapuri-puri ayon sa Bibliya?
Halimbawa sa Bibliya:
Gen 24:62-67—Dinamayan at pinatibay ni Rebeka ang asawa niyang si Isaac nang mamatay ang nanay nito
1Sa 25:14-24, 32-38—Pinrotektahan ni Abigail ang masama niyang asawa at iniligtas ang sambahayan nila nang mapagpakumbaba siyang makiusap kay David
Es 4:6-17; 5:1-8; 7:1-6; 8:3-6—Para humingi ng proteksiyon para sa bayan ng Diyos, dalawang beses na isinapanganib ni Reyna Esther ang buhay niya nang lumapit siya sa asawa niyang hari kahit hindi ipinapatawag
Paglutas sa mga problema
Anong mga prinsipyo ang makakatulong sa mag-asawa para malutas ang mga problema sa kanilang pagsasama?
Anong mga prinsipyo ang makakatulong sa mag-asawa para magkaroon ng balanseng pananaw sa pera?
Luc 12:15; Fil 4:5; 1Ti 6:9, 10; Heb 13:5
Tingnan din ang “Pera”