Materyalismo
Sinasabi ba ng Bibliya na maling magkaroon ng pera o materyal na mga bagay?
Halimbawa sa Bibliya:
1Ha 3:11-14—Pinagpala ni Jehova si Haring Solomon ng maraming kayamanan dahil mapagpakumbaba siya
Job 1:1-3, 8-10—Napakayaman ni Job, pero ang kaugnayan niya kay Jehova ang pinakamahalaga sa kaniya
Kapag may pera o pag-aari tayo, ibig bang sabihin, magiging masaya na tayo at panatag?
Kailan nagiging walang saysay ang kayamanan?
Ano ang pinakamalaking panganib pagdating sa pera at pag-aari?
Paano tayo puwedeng madaya ng kayamanan?
Kaw 11:4, 18, 28; 18:11; Mat 13:22
Halimbawa sa Bibliya:
Gaw 8:18-24—Inakala ni Simon na mabibili niya ng pera ang mga pribilehiyo sa kongregasyong Kristiyano
Ano ang puwede nating maiwala dahil sa pag-ibig sa pera?
Halimbawa sa Bibliya:
Mar 10:17-23—Napalampas ng isang mayamang lalaki ang pribilehiyong maging tagasunod ni Jesus dahil sa pag-ibig sa mga pag-aari niya
1Ti 6:17-19—Binabalaan ni apostol Pablo ang mayayamang Kristiyano na hindi nila mapapasaya ang Diyos kung magiging mayabang sila
Paano nakakapagpahina ng pananampalataya ang materyalismo, na makakapagpalungkot kay Jehova?
Deu 8:10-14; Kaw 28:20; 1Ju 2:15-17
Tingnan din ang Aw 52:6, 7; Am 3:12, 15; 6:4-8
Halimbawa sa Bibliya:
Job 31:24, 25, 28—Nakita ni Job na mapanganib ang pagtitiwala sa kayamanan dahil pagtalikod iyon sa Diyos
Luc 12:15-21—Bilang babala laban sa materyalismo, inilarawan ni Jesus ang isang mayamang lalaki na hindi mayaman sa Diyos
Paano tayo magiging kontento sa kung anumang mayroon tayo?
Anong mga kayamanan ang mas matimbang kaysa sa materyal na mga pag-aari, at bakit?
Kaw 3:11, 13-18; 10:22; Mat 6:19-21
Halimbawa sa Bibliya:
Hag 1:3-11—Sa pamamagitan ni propeta Hagai, sinabi ni Jehova sa bayan na hindi Niya sila pinagpala sa materyal dahil inuna nila ang kanilang bahay at kaalwanan imbes na itayo ang templo
Apo 3:14-19—Sinaway ni Jesus ang kongregasyon sa Laodicea dahil mas pinahalagahan nila ang materyal na kayamanan kaysa sa paglilingkod sa Diyos