Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Kung Ano ang Nilalaman ng Publikasyong Ito”
  • Kung Ano ang Nilalaman ng Publikasyong Ito

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Ano ang Nilalaman ng Publikasyong Ito
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Kung Ano ang Nilalaman ng Publikasyong Ito”

KUNG ANO ANG NILALAMAN NG PUBLIKASYONG ITO

Layunin ng publikasyong ito na tulungan kang magtamo ng kaunawaan sa Kasulatan. Papaano? Tinipon nito mula sa buong Bibliya ang mga detalyeng may kaugnayan sa mga paksang tinatalakay. Ipinakikita nito kung anong mga salita ang ginamit sa orihinal na mga wika at ang literal na kahulugan ng mga iyon. Tinatalakay nito ang kaugnay na mga impormasyon mula sa sekular na kasaysayan, pagsasaliksik ng arkeolohiya, at iba pang larangan ng siyensiya at sinusuri ang mga iyon batay sa pangmalas ng Bibliya. Naglalaan din ito ng mga visual aid. Tutulungan ka ng publikasyong ito na maunawaan ang kahalagahan ng pagkilos ayon sa sinasabi ng Bibliya.

Ang Bibliya ay naglalahad ng mga pakikipag-ugnayan ng Diyos na Jehova sa sangkatauhan, sa paraang nagpapakita ng tunay na mga kaganapan sa buhay. Bumabanggit ito ng mga pangalan ng mga tao at mga lugar, ng mga bansa at mga tagapamahala na magkakapanahon, at ng espesipikong mga uri ng halaman at hayop. Lalo kang makikinabang sa mga pagtukoy ng Bibliya sa mga tao at mga bagay na iyon kung magkakaroon ka ng ilang kaalaman tungkol sa mga iyon. Upang tulungan ka, ang Kaunawaan sa Kasulatan ay may nakapagtuturong mga artikulo tungkol sa mahigit 3,000 indibiduwal na binanggit sa Kasulatan at mga impormasyon hinggil sa 97 bansa, tribo, at bayan. Mayroon itong mahigit 1,000 artikulo na tumatalakay ng espesipikong mga lugar, 96 na artikulo tungkol sa iba’t ibang mga halaman, at 106 na artikulo hinggil sa mga ibon at mga hayop. Bukod diyan, mayroon din itong mga artikulo tungkol sa maraming iba pang mahahalagang paksa sa Kasulatan.

Ang bawat aklat ng Bibliya ay pantanging tinalakay sa publikasyong ito. Sa istilong madaling basahin at tandaan, ang balangkas ng bawat aklat ay nagtatampok ng pangunahing mga ideya na tinalakay ng manunulat. Sa reperensiyang ito, malibang may ibang salin ng Bibliya na tinukoy, ang mga pagsipi sa Bibliya ay mula sa Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan, bagaman mayroon pang mahigit sa 40 ibang salin na binanggit at sinipi.

Lakip sa mga visual aid ang mga mapa, at marami sa mga ito ay nagtatampok ng mahahalagang lokasyon batay sa mga yugto ng panahon sa kasaysayan. Napakarami ring mga larawan upang maguni-guni mo ang mga lupain sa Bibliya at ang mga pangyayaring naganap doon. Ang ilan sa mga ito ay iginuhit na mga larawan tungkol sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan. Ang iba naman ay mga litrato ng espesipikong mga lokasyon at ng mga displey sa museo na nauugnay sa ulat ng Bibliya. Makikita sa Tomo 2, sa pahina 1468 ang pasasalamat para sa mga larawan ng mga displey ng museo at iba pang mga litrato.

Tinatalakay ng komprehensibong mga artikulo ang Hebreo, Griego, at Aramaiko​—ang orihinal na mga wikang ginamit sa pagsulat ng Bibliya. Ipinaliliwanag sa mga artikulong ito ang kahulugan ng mahahalagang pananalita sa orihinal na mga wika, at hindi lamang kung paano inuunawa ang mga terminong iyon sa ibang mga wika na karaniwang ginagamit ngayon. Sa publikasyong ito, ang kahulugan ng mga pangalang binanggit sa Bibliya ay ibinatay sa kung paano aktuwal na ginagamit sa ibang talata ng Bibliya ang mga bahagi ng mga pangalang iyon sa orihinal na wika.

Paano mo hahanapin ang mga sagot sa iyong mga tanong tungkol sa Bibliya? (1) Kahulugan ba ng isang partikular na pananalita sa Bibliya ang nais mong malaman? Ang tanong mo ba’y tungkol sa isang indibiduwal, isang lugar, o isang katangian? Tandaan na ang mga artikulo sa publikasyong ito ay inayos nang alpabetikal at ang Biblikal na mga pangalan at mga pananalita sa reperensiyang ito ay halaw sa Bagong Sanlibutang Salin. Hanapin mo ang artikulong may pamagat na kapareho ng pangalan o paksang iniisip mo. Kung hindi mo makita ang artikulong kailangan mo, subukan mong tingnan ang Indise ng mga Paksa sa likurang pahina ng Tomo 2; ituturo ka nito sa mahahalagang materyal na maaaring hindi mo naisip. (2) Kung paliwanag naman ng isang espesipikong kasulatan ang kailangan mo, dumeretso ka sa Indise ng mga Kasulatan sa Tomo 2.

Hangad namin na mapalalim ng publikasyong ito ang iyong pagpapahalaga sa Awtor ng Bibliya, ang Diyos na Jehova, at mabigyan ka ng higit pang kaunawaan tungkol sa kahulugan ng kaniyang Salita, at mapakilos ka nito na lubusang ikapit sa iyong buhay ang mga nilalaman nito at ibahagi sa iba ang mahahalagang katotohanan nito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share