MGA HALIMBAWA NG KAPAKI-PAKINABANG NA MGA PANTULONG
Ang mga pamagat na nasa malalaking titik ay tumutukoy sa mga pangunahing artikulo
AARON. Isang anak nina Amram at Jokebed mula sa tribo ni Levi, ipinanganak sa Ehipto noong 1597 B.C.E. Si Levi ay lolo sa tuhod ni Aaron. (Exo 6:13, 16-20) Si Miriam ang kaniyang nakatatandang kapatid na babae, at si Moises ang kaniyang nakababatang kapatid na lalaki na mas bata nang tatlong
Makakapal na letra at ilang malalaking titik ang ginamit para sa mga pangunahing subtitulo
Noong Panahon ng mga Paghahari Nina David at Solomon. Lumilitaw na nang matamo na ni David ang trono, si Abiatar ay ginawang mataas na saserdote. Iminumungkahi ng ilang iskolar na, pagkamatay ng mataas na saserdoteng si Ahimelec, iniutos ni Haring Saul na italaga si Zadok bilang mataas na saserdote upang humalili kay Ahimelec,
Ang makakapal na italiko ay isang subdibisyon ng materyal sa ilalim ng pangunahing subtitulo
Mga simulaing Kristiyano may kinalaman sa “ibang mga tao.” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang pag-ibig sa “ibang tao” (sa Gr., xeʹnos; sa Ingles, stranger) ay mariing itinatampok bilang isang katangian na dapat ipakita ng Kristiyano. Sinabi ng apostol na si Pablo: “Huwag ninyong kalilimutan ang pagkamapagpatuloy [sa Gr., phi·lo·xe-
Kahulugan ng pangalan
ELIAS [Ang Aking Diyos ay si Jehova].
1. Isa sa mga pangunahing propeta ng Israel. Maliwanag na siya ay taga-Tisbe, na ipinapalagay ng ilan na isang nayon sa lupain ng Gilead, sa S ng Ilog Jordan. (1Ha 17:1) Pinasimulan niya ang kaniyang mahabang paglilingkod bilang propeta sa Isra-
Tanong na sasagutin ng sumusunod na (mga) parapo
Bakit hindi pinarusahan si Aaron sa paggawa ng ginintuang guya?
Sa kabila ng kaniyang natatanging posisyon, si Aaron ay mayroon ding mga pagkukulang. Noong panahon ng unang 40-araw na pananatili ni Moises sa Bundok Sinai, “ang bayan ay nagtipun-tipon kay
Ang makakapal na numero sa pasimula ng parapo ay nagpapahiwatig ng isang tao o lugar na may gayunding pangalan
1. Isang bantay ng pintuang-daan mula sa mga Korahita na inatasan ni David; ang ikapitong anak ni Meselemias na mula sa tribo ni Levi.—1Cr 26:1-3.
2. Ang anak ni Zerahias na bumalik, na sinamahan ng 200 lalaki mula sa sambahayan ni Pahat-moab sa panig ng ama, mula sa Babilonya patungong Jerusalem kasama ni Ezra.
Mga cross-reference na bumabanggit sa mga artikulong may mahahalagang karagdagang impormasyon o sa mga visual aid
larawan ng ulo ni Tiberio at ginamit noong mga taóng 15 C.E. (LARAWAN, Tomo 2, p. 544) (Ihambing ang Luc 3:1, 2.) Ang panunungkulan naman noon ni Poncio Pilato bilang Romanong gobernador ng Judea ay pinatototohanan ng isang malapad na bato na natagpuan sa Cesarea at kababasahan ng mga pangalang Latin na Pontius Pilatus at Tiberieum.—Tingnan ang PILATO; LARAWAN, Tomo 2, p. 741.
Makabagong-panahong katumbas ng mga timbang, sukat, at salapi sa Bibliya
Nagbayad si Oseas ng 15 pirasong pilak (kung siklo, $33) at isa’t kalahating takal na homer (330 L; 300 tuyong qt) ng sebada upang tubusin ang mapangalunyang babaing si Gomer bilang kaniyang asawa (Os 1:3; 3:1, 2), isang halaga na itinuturing ng ilang komentarista na katumbas ng halaga ng isang alipin, 30 siklong pilak ($66). (Exo 21:32) Ang ‘handog ukol sa paninibugho’ na hinihi-
Ang lahat ng daglat ay ipinaliliwanag sa Tomo 1, pahina 1469 at 1470
pag-ibig at pangangalaga sa kanila (Isa 40:11) Ang pananalitang “asawang babae ng dibdib [ng isa],” gaya ng mababasa sa ilang salin (KJ; Ro; RS; AT), ay mas mauunawaan kapag isinaling, “asawang babae na minamahal mo sa iyong dibdib” (Kx), “ang iyong
Ang mga pangalan ng lugar na nasa mga panaklong ay mga katumbas na pangalan sa ibang wika (kadalasa’y sa makabagong Hebreo)
Noong kapanahunan ng mga Hukom, ang Canaanitang lunsod na ito ay nasa gulod na ipinapalagay na ang Tell el-Fukhkhar (Tel ʽAkko), mga 1 km (0.6 mi) mula sa look at 1.8 km (1 mi) sa S ng makabagong-panahong mga pader ng Matandang Lunsod. Noong yugtong Persiano, mula noong ikaanim na siglo B.C.E., ang lunsod ay lumawak nang
Ang mga lokasyon ng mga lugar ay makikita sa kalakip na mapa; inilalahad ng mga teksto kung ano ang naganap sa yugtong iyon ng kasaysayan
MGA LOKASYON SA MAPA
Lakip ang Kaugnay na mga Kasulatan
Beer-sheba Gen 21:31-33; 22:19
Bethel Gen 12:8
Damasco Gen 14:15
Dan Gen 14:14
Gerar Gen 20:1-18