ADADA
Isa sa mga lunsod na nasa timugang bahagi ng teritoryo na orihinal na nakaatas sa Juda, malapit sa hanggahan ng Edom. (Jos 15:22) Ang Vatican Manuscript No. 1209 ng Griegong Septuagint ay kababasahan dito ng A·rou·el. Salig dito, at sa 1 Samuel 30:28, pinapaboran ng ilang iskolar na iugnay ito sa Aroer sa Juda.—Tingnan ang AROER Blg. 3.