AHIHUD
Bagaman magkaiba ng baybay at tuldok-patinig sa Hebreo, ang mga pangalan ng dalawang magkaibang indibiduwal sa ibaba ay magkapareho ng baybay sa Tagalog.
1. [ʼAchi·hudhʹ, posible, “Ang Kapatid ay Dangal”]. Anak ni Selomi; bilang pinuno ng tribo ni Aser, pinili siya upang tumulong sa paghahati-hati ng Lupang Pangako sa bayan.—Bil 34:18, 27, 29.
2. [ʼAchi·chudhʹ]. Kapatid ni Uza, mula sa tribo ni Benjamin.—1Cr 8:7.