BAAL-HAMON
[May-ari ng Isang Pulutong (Karamihan)].
Isang lugar na binanggit sa Awit ni Solomon 8:11 bilang lokasyon ng isang mabungang ubasan ni Haring Solomon. Walang anumang pahiwatig tungkol sa kinaroroonan nito. Bagaman itinuturing ito ng marami na isang literal na lokasyon, sinasabi ng ilan na ginamit ito sa gayong matulaing akda sa makasagisag na paraan upang kumatawan sa kaharian na pinamahalaan ni Solomon at na pinagmulan ng malaking kayamanan.—Ihambing ang 1Ha 4:20, 21.