BIGTAN, BIGTANA
Isa sa dalawang bantay-pinto sa palasyo ng Persia na nakipagsabuwatan laban sa buhay ni Haring Ahasuero. Nalaman ni Mardokeo ang pakana, isiniwalat ito ni Reyna Esther sa hari, ibinitin si Bigtan, at ang insidenteng ito ay itinala sa maharlikang mga artsibo.—Es 2:21-23; 6:2.