Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Delaila”
  • Delaila

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Delaila
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pinakamalakas na Tao
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Galing kay Jehova ang Lakas ni Samson
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Umasa kay Jehova Gaya ni Samson
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Nagtagumpay si Samson Dahil sa Lakas ni Jehova!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Delaila”

DELAILA

[posible, Nakabitin].

Isang babaing naninirahan sa agusang libis ng Sorek. Ipinakilala si Delaila sa ulat ng Bibliya bilang ang babaing inibig ni Samson noong huling bahagi ng kaniyang 20-taóng pagiging hukom.​—Huk 16:31.

Bawat isa sa mga panginoon ng alyansa ng mga Filisteo, na gustong pumatay kay Samson, ay nag-alok kay Delaila ng 1,100 pirasong pilak (kung siklo, $2,422) upang tuklasin niya kung saan nanggagaling ang pambihirang lakas ni Samson. Nakipagtulungan siya sa pamamagitan ng pagtatanong kay Samson kung paano mapaglalaho ang lakas nito. Sa bawat sagot ni Samson, sinasabihan niya ang mga Filisteo at itinatago niya sa kaniyang bahay ang mga Filisteong mandirigma na huhuli kay Samson sa sandaling mawalan ito ng lakas. Pagkatapos ng tatlong nagliligaw na sagot ni Samson, patuloy siyang kinukulit ni Delaila at “ginigipit niya siya ng kaniyang mga salita sa lahat ng pagkakataon at lagi siyang pinipilit, [anupat] ang kaniyang kaluluwa ay hindi na nakatiis hanggang sa gusto na niyang mamatay.” Dahil dito, sinabi na ni Samson kay Delaila na siya’y isang Nazareo at na walang labahang dumaan kailanman sa kaniyang ulo. Nang matiyak ni Delaila na nalaman na niya ang katotohanan nang pagkakataong iyon, ipinatawag niya ang mga panginoon ng alyansa ng mga Filisteo, at dumating sila upang ibigay sa kaniya ang salapi. Habang natutulog si Samson sa kaniyang mga tuhod, ginupit ng isang tagapaglingkod ang pitong tirintas ng buhok nito. Nang magising si Samson, natuklasan niya na naglaho na ang kaniyang bigay-Diyos na lakas. Sinunggaban siya ng nagtatagong mga Filisteo, binulag nila siya at ibinilanggo. (Huk 16:4-21) Hindi na muling binanggit si Delaila sa ulat ng Bibliya.

Hindi sinasabi ng Bibliya na nagkaroon ng seksuwal na kaugnayan sina Delaila at Samson o na siya ay isang patutot. Hindi si Delaila ang patutot na binanggit sa Hukom 16:1, 2. Ang patutot na iyon ay taga-Gaza, samantalang si Delaila ay nakatira sa agusang libis ng Sorek. Gayundin, ipinahihiwatig ng sumusunod na katibayan na si Delaila ay posibleng isang Israelita, hindi isang Filisteo: Inalok siya ng mga panginoon ng alyansa ng napakalaking halaga ng salapi at hindi nila inantig sa kaniya ang damdaming makabayan.​—Huk 16:5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share