Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Hopra”
  • Hopra

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hopra
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Paraon
    Glosari
  • Paraon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Herodotus
    Gumising!—2015
  • Ehipto, Ehipsiyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Hopra”

HOPRA

[mula sa Ehipsiyo, nangangahulugang “Ang Puso ni Ra [ang diyos-araw] ay Namamalagi”].

Sa Griegong Septuagint (Jer 51:30, katumbas ng 44:30 sa karamihan sa mga salin) ay tinatawag siyang Ou·a·phreʹ. Si Paraon Hopra ay tinatawag na Apries ni Herodotus. Pinaniniwalaang naghari si Hopra nang 19 na taon. Gayunman, ayon kay Herodotus (II, 161), naghari siya nang 25 taon.

Matapos tumakas ang mga Judio patungong Ehipto noong 607 B.C.E., sinabi ni Jehova sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias: “Narito, ibibigay ko si Paraon Hopra, na hari ng Ehipto, sa kamay ng kaniyang mga kaaway at sa kamay niyaong mga naghahanap sa kaniyang kaluluwa.” (Jer 44:1, 26, 30) Ito ay magiging isang tanda ng napipintong kapahamakan na sasapit sa mga Judiong naninirahan sa Ehipto. (Jer 44:29) Ayon kay Herodotus (II, 161-169), nagsagawa si Hopra (Apries) ng isang kapaha-pahamak na ekspedisyon sa Cirene upang tulungan ang mga taga-Libya laban sa mga Griego noong ikaanim na siglo B.C.E. Ang mga hukbo ni Hopra ay naghimagsik laban sa kaniya at itinalaga si Ahmose II (Amasis) bilang karibal na hari. Gayunpaman, lubhang mapagmataas si Hopra anupat “inakalang kahit isang diyos ay hindi makapagpapatalsik sa kaniya mula sa kaniyang trono.” Gayunman, siya ay dinalang bilanggo at nang dakong huli ay pinatay sa pamamagitan ng pagbigti.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share