Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Bituka, Mga”
  • Bituka, Mga

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bituka, Mga
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Tiyan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Si Jehova—Ang Ating Magiliw at Madamaying Ama
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Habag
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Nagalak si Ezekiel na Ipahayag ang Mensahe ng Diyos
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Bituka, Mga”

BITUKA, MGA

[sa Ingles, intestines].

Ang salitang Hebreo na qeʹrev ay ginagamit upang lumarawan sa “mga lamang-loob,” “mga panloob na bahagi,” o “mga bituka” ng mga tao at ng mga hayop. (Exo 12:9; 29:13; Aw 5:9) Tinutukoy nito yaong “nasa loob” at kadalasang ginagamit bilang pang-ukol, na nangangahulugang “sa loob; sa gitna ng.”​—Gen 25:22; Deu 17:20.

Ang isa pang termino na tumutukoy sa mga panloob na sangkap ay ang Hebreong me·ʽehʹ. Sa Hebreo, palagi itong lumilitaw sa anyong pangmaramihan (me·ʽimʹ) at ginagamit ito para sa “mga bituka” sa 2 Samuel 20:10 at para sa “bituka” sa 2 Cronica 21:15, 18, 19. Maaaring tumukoy ang salitang ito sa “mga panloob na bahagi” ng isang nilalang, gaya sa ulat tungkol sa malaking isda na lumulon kay Jonas. Doon ay lumilitaw ito nang makalawang ulit at ipinakikita ito bilang katumbas ng “tiyan” ng malaking isda. (Jon 1:17; 2:1, 2) Maaari ring tumukoy ang terminong Hebreo na ito sa mga sangkap ng mga tao sa pag-aanak. (Gen 15:4; Ru 1:11) Yamang maliwanag na magkaugnay ang mga emosyon at ang mga panloob na sangkap, ang mga bituka ay itinuring na sentro ng pinakamasisidhing emosyon.​—Ihambing ang Isa 63:15; Jer 4:19; 31:20.

Ang pisikal na pagkain ay tinutunaw ng mga bituka. Kaya naman ginamit ito bilang metapora na lumalarawan sa mental o espirituwal na pagtunaw noong sabihan si Ezekiel sa isang pangitain na kainin niya ang isang balumbon upang mabusog niya nito ang kaniyang mga bituka (sa Heb., me·ʽimʹ). Magkakaroon si Ezekiel ng espirituwal na lakas sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay at pag-iimbak sa kaniyang memorya ng mga salitang nasusulat sa balumbon. Sa gayon ay pinakain siya sa espirituwal na paraan at pinaglaanan ng mensaheng sasalitain niya.​—Eze 3:1-6; ihambing ang Apo 10:8-10.

Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang salitang splagʹkhna, literal na nangangahulugang “mga bituka,” ay ginamit nang minsan upang tumukoy sa literal na mga bituka. (Gaw 1:18) Sa ibang mga talata, ginagamit naman ito bilang metapora upang tumukoy sa “magiliw na pagmamahal” at “magiliw na pagkamahabagin.”​—2Co 6:12; Fil 1:8; 2:1; Col 3:12; 1Ju 3:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share