JADUA
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “alamin”].
1. Isa sa mga pangulo ng Israel na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagtatak sa resolusyon ng katapatan noong panahon ng pagkagobernador ni Nehemias.—Ne 10:1, 14, 21.
2. Ang kahuli-hulihan sa Aaronikong linya ng mga mataas na saserdote na nakatala sa Hebreong Kasulatan. Ang pagiging ikalimang salinlahi ni Jadua mula kay Jesua ay nagpapahintulot na siya ay nabuhay noong panahon ng “paghahari ni Dario na Persiano.”—Ne 12:10, 11, 22; tingnan ang DARIO Blg. 3.