JAHDIEL
[posible, Magalak Nawa ang Diyos].
Isa sa mga ulo ng sambahayan ng kalahati ng tribo ni Manases na naninirahan sa S ng Jordan; isang magiting at makapangyarihang lalaki. Ang mga inapo ni Jahdiel ay “nagsimulang gumawi nang di-tapat” kay Jehova, na humantong sa pagpapatapon sa kanila ng mga Asiryano nang bandang huli.—1Cr 5:23-26.