KADMIEL
[Sinasalubong ng Diyos; Ang Diyos ay Yumayaon sa Harap].
Isang Levitang bumalik sa Jerusalem (kasama ni Zerubabel) na sinamahan ng mga miyembro ng kaniyang pamilya. (Ezr 2:1, 2, 40; Ne 7:6, 7, 43; 12:1, 8, 24) Si Kadmiel at ang kaniyang mga anak ay tumulong na mangasiwa sa muling pagtatayo ng templo.—Ezr 3:9.
Ang yugto ng panahon sa pagitan ng pagbabalik mula sa pagkatapon sa Babilonya (537 B.C.E.) at ng pagtatapat ng mga kasalanan ng bansa laban kay Jehova noong mga araw ni Nehemias (455 B.C.E.), na sinundan ng pagpapatotoo sa pamamagitan ng tatak sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” (Ne 9:4, 5, 38; 10:1, 9, 10), ay hindi nagpapahintulot na maiugnay ang iisang Kadmiel sa lahat ng mga pangyayaring ito. Walang alinlangang isang kinatawan ng sambahayan ni Kadmiel ang nakibahagi sa dalawang huling pangyayaring ito.