LUHIT
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “tapyas; tabla”].
Isang lugar na binanggit sa mga hula ng kapahamakan laban sa Moab. (Isa 15:1, 5; Jer 48:5) Naniniwala ang ilang iskolar na ang Luhit ay isang Moabitang lunsod na nasa taluktok ng isang dakong paahon. Yamang sinabi nina Eusebius at Jerome na ito rin ang lugar na tinatawag na Loueitha, ito ay iniugnay sa Rujm Madinat er Ras, mga 20 km (12 mi) sa TK ng Karak, o sa kalapit na Khirbet Fas. Ayon naman sa iba, ang Luhit ay hindi isang lunsod kundi pangalan lamang ng dakong paahon o dalisdis na daraanan ng tumatangis na mga takas na Moabita.—Ihambing ang Bil 34:4.