NEHELAM
[Ng (Mula sa) Nehelam; o, posible, Ang Mánanaginíp].
Marahil ang bayan ng bulaang propetang si Semaias. (Jer 29:24, 31, 32) Ngunit walang nalalamang lokasyon na may ganitong pangalan. Kaya naman, iminumungkahi ng ilan na maaaring ang “ng Nehelam” ay isang katawagan sa pamilya at sa gayo’y isinasalin nila ito sa pariralang “ang Nehelamita.” (KJ, NE) Naniniwala naman ang iba na marahil ay gumamit dito si Jeremias ng salitang Hebreo na katunog ng cha·lamʹ, nangangahulugang “panaginip.”—Ihambing ang Jer 23:25.