PROCORO
[posibleng mula sa salitang-ugat na Gr. na nangangahulugang “humayo (o, sumayaw) sa unahan bilang isang koro”].
Isa sa pitong lalaking may patotoo, puspos ng espiritu at karunungan na inatasan upang tiyakin ang pantay-pantay na pakikitungo sa araw-araw na pamamahagi ng pagkain sa unang-siglong kongregasyong Kristiyano sa Jerusalem.—Gaw 6:1-6.