RABBONI
Isang salitang Semitiko na nangangahulugang “Aking Guro.” (Mar 10:51) Maaaring ang “Rabboni” ay isang mas magalang na anyo kaysa sa “Rabbi,” na isang titulong katawagan na nangangahulugang “Guro,” o maaaring higit itong nagbabadya ng personal na init ng damdamin. (Ju 1:38) Gayunman, nang sumulat si Juan, marahil ay nawala na sa salitang ito ang pantanging kahulugan ng unang panauhang hulapi (i) sa titulo, yamang isinalin ito ni Juan bilang nangangahulugan lamang ng “Guro.”—Ju 20:16.