RODA
[posible, Rosas].
Isang miyembro ng kongregasyong Kristiyano sa Jerusalem noong panahon ng makahimalang paglaya ng apostol na si Pedro mula sa bilangguan noong mga 44 C.E. Si Roda ay isang alilang babae, ipinapalagay na sa sambahayan ng ina ni Marcos na si Maria. Sa paanuman, isa siya sa mga nagpalipas ng gabi roon na nananalangin para kay Pedro. Nang tumugon siya sa katok sa pinto ng pintuang-daan, at nakilala ang tinig ni Pedro, napanaigan si Roda ng kagalakan anupat, sa halip na papasukin ito, tumakbo siya sa loob upang sabihin sa iba. “Nababaliw ka,” ang sabi nila, ngunit patuloy siyang nagpumilit. Samantala, patuloy na kumatok si Pedro hanggang nang sa wakas ay papasukin nila ito.—Gaw 12:3, 5, 12-16.