PANAKOT NG IBON
Isang bagay gaya ng poste o bunton ng mga bato, kadalasa’y anyong tao, na itinatayo sa isang bukid at nagsisilbing pambugaw sa mga ibon o sa iba pang mga hayop. Inihalintulad ni Jeremias ang mga idolo ng mga bansa sa isang “panakot ng ibon [sa Heb., toʹmer] sa bukid ng mga pipino.” (Jer 10:5) Sa ibang talata, ang salitang toʹmer ay isinasalin bilang “puno ng palma.” (Huk 4:5) Tunay na ang mga idolo ng mga bansa ay katumbas lamang ng panakot ng ibon, samakatuwid nga, isang kabulaanan.—AT, Mo, NE, NW, RS.