‘Dalhan Kami ng Isa Pang Mapulang Aklat’
Sa isang regular na pulong ng kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa gitnang-kanlurang Estados Unidos, ang telepono ay tumunog. “Walang nakakaalaala tungkol sa telepono kung kailan huling tumunog ito samantalang may pulong,” ang isinulat ng isa sa mga presente noon. Kasalukuyan noon na tinatalakay ang tungkol sa paggamit ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa sa ministeryo sa larangan. “Hulaan ninyo kung ano ang gusto ng babae!” ang patuloy pa ng liham. “Tama ang hula ninyo ‘isa pang mapulang aklat’! Siya’y mayroon nang isa pero isa pa ang gusto niya para sa kaniyang anak na babae na malaki na at malayo sa tahanan.”
Sa loob ng dalawang taon sapol nang ilabas ito mahigit na 15 milyong kopya ng magandang aklat-aralang ito sa Bibliya ang nalimbag na sa mahigit na 55 wika. Kumuha kayo ng inyong kopya, at saka ninyo mauunawaan kung bakit ito popular na popular.
Pakisuyong padalhan ako ng 256-pahinang aklat, libre-bayad sa koreo, na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Ako’y naglakip ng ₱30. (Para sa presyo sa mga ibang bansa, pakisuyong alamin ito sa lokal na opisina ng Watch Tower Society.)