Mga Salitang Nakagagalak ng Puso
TINANONG ng kaniyang itay ang otso-anyos na si Debora: “Ikaw ba’y nagdarasal kay Jehova?” Ang kaniyang sagot: “Opo, palagi.” “Kailan?” “Pagka po ako’y nag-iisa.” “Bakit kung nag-iisa ka?” “Upang huwag po akong maabala!”
Tinanong ng kaniyang nanay ang seis-anyos na si Laurent: “Gusto mo bang iwanan kong bukas ang ilaw sa kuwarto mo ngayong gabi?” (Si Laurent ay natatakot sa dilim at siya’y sinabihan na manalangin kay Jehova tungkol doon.) “Hindi po, hindi na ako natatakot ngayon sapagka’t sinasamahan ako ni Jehova.”
Isang seis anyos na batang babae ang nagsabi nang nananalangin: “Salamat po, Jehova, sa pag-asang pagkabuhay-muli. Napakainam iyan!” Minsan, sa isa pang panalangin ay sinabi niya: “Napakarami kang gagawin dito sa aming bansa pagka kami’y nasa paraiso na, Jehova, sapagka’t pagkalakas-lakas kung umulan.”
Ang dasal ng tres-anyos na si Udo: “Pakisuyo naman, Diyos na Jehova, loobin mong magbasa si itay ko ng Bibliya para huwag siyang mamatay sa Armagedon!” Ang pinto ng silid-tulugan ng bata ay nabuksan, at narinig ng kaniyang itay ang dinadasal niya. Iyan ang naggiba ng kaniyang huling pagsangga sa katotohanan, at sa ngayon ang itay ni Udo ay isang tapat na lingkod ni Jehova.