Kahalili ng mga Tunay na Ina
Isang kaso ng artipisyal na insemination (pagpapasok ng binhi sa pag-aanak) ang iniulat na sing-aga ng 1799. Subali’t nang nakalipas na mga taon ay lalong higit na nauso ito. Sang-ayon sa The New York Times, ang isang babae na dumaan sa ganiyang artipisyal na paraan ng pag-aanak at nagkaanak naman para sa ibang babae, at kahalili ng tunay na ina, ay tinatawag na surrogate mother. Ang babaing baog at ang kaniyang asawa ay sumasang-ayon sa ganitong kaayusan, at pagka ang surrogate mother ay nanganak, ang sanggol na inianak ay inaampon ng nasabing mag-asawa. Sa kasong ito ang sperm (o binhi) ay maaaring manggaling sa binanggit na asawang lalaki o sa iba.
Bagaman ang ganiyang kaayusan ay sinasang-ayunan ng marami sa daigdig, may katuwiran ang Kristiyano na magtanong kung ito baga’y kaayon ng mga batas ng Diyos. Ang Bibliya, sa Levitico 18:20 ay maliwanag ang sinasabi tungkol dito: “Huwag mong ibibigay ang iyong binhi sa pag-aanak sa asawa ng iyong kapuwa at sa gayo’y magpapakadumi sa kaniya.” Ang artipisyal na insemination ng isang babae na ang binhi’y galing sa iba at hindi sa kaniyang legal na asawa, ay gumagawa sa kaniya na maging isang mangangalunya, isang pagkakasala laban sa Diyos. (Deuteronomio 5:18) Ang lalaking pinagkunan ng binhi at ang babaing kahalili ng tunay na ina ay hindi mag-asawa ayon sa batas ng Diyos sa pag-aasawa.—Mateo 19:4-6.