“Ang Aklat”—Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
Isang liham sa Belize, Sentral Amerika, ang nag-uulat: “Sa isang bayan, Otoxha, isang batang lalaki ang nagtatatakbong lumapit sa amin, pagkatapos ay sumilip sa aming portpolyo at hinila ang tinatawag niya na ‘ANG aklat.’ Nang matiyak niya na iyon nga ANG aklat (‘Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya’), naglabas siya ng portamoneda na punô ng barya. Tinipon pala niya iyon at inaasahan niyang balang araw ay pupunta roon ang mga Saksi ni Jehova.”
Nagpatuloy ang liham: “Ang hindi namin malilimot ay nang ang iisang lalaking marunong ng Ingles doon sa amin ay maupo sa sahig ng cabildo (bahay para sa mga bisita) at isalin sa Kekchi ang aklat na ‘Mga Kuwento sa Bibliya’ samantalang ang mga ibang lalaki ay nakaupong palibot sa kaniya, nakikinig na mabuti at pinanonood ang magagandang larawan.”
Ikaw man ay matutuwang magkaroon ng “Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya.” Ito’y may 116 na kuwento tungkol sa nilalaman ng Bibliya. Mayroon itong malalaking letra at mahigit na 125 larawan, karamihan ay may magagandang kulay. Tatanggap ka ng aklat na ito kung iyong sulatan at ipadadala sa koreo ang kupon sa ibaba.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng aklat na Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, kaya’t naglakip ako ng ₱30. (Para sa presyo sa mga ibang bansa, pakisuyong makipag-alam sa lokal na opisina ng Watch Tower Society.)