Pang-araw-araw na Teksto Para sa Agosto
1 Sapagkat “sino baga ang nakakilala sa isip ni Jehova upang kaniyang maturuan siya?” Subalit nasa atin ang isip ni Kristo.—1 Cor. 2:16. b 3/1/85 14-18a
2 Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo man ay makasama rin namin.—1 Juan 1:3. b 1/15/85 18
3 Pagpasok ninyo sa bahay, batiin ninyo ang sambahayan; at kung karapat-dapat ang sambahayan, ang kapayapaang hiniling ninyong dumuon ay dumuon nga.—Mat. 10:12, 13. b 2/15/85 16, 17a
4 Ikaw ay maging timbang sa lahat ng bagay, magtiis ka ng kahirapan, . . . Lubusang ganapin mo ang iyong ministeryo.—2 Tim. 4:5. b 6/15/85 4, 10, 11a
5 Upang makatayo kayong matatag laban sa mga pakana ng Diyablo.—Efe. 6:11. b 4/15/85 16, 17a
6 Patuloy na magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na magaling.—Tito 2:1. b 5/15/85 9, 10a
7 Ibigin ninyo ang buong pagkakapatiran.—1 Ped. 2:17. b 5/1/85 11, 13, 14a
8 Isang bagong utos ang sa inyo’y ibinibigay ko, na kayo’y mag-ibigan sa isa’t-isa; kung paanong inibig ko kayo, ganiyan rin kayo mag-ibigan sa isa’t-isa.—Juan 13:34. b 3/15/85 10, 11a
9 Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang patuloy na nagpalago; anupat walang anuman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig, kundi ang Diyos na siyang nagpapalago.—1 Cor. 3:6, 7. b 7/15/84 9, 10a
10 Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig . . . at subukin ninyo ako . . . kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan ng langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalagyan.—Mal. 3:10. b 11/1/84 18
11 Sa ilang ay tatahan nga ang katarungan, at sa mabungang bukid ay titira ang katuwiran.—Isa. 32:16. b 11/15/84 8, 9a
12 Saan kinuha ng taong ito ang karunungang ito?—Mat. 13:54. b 2/15/85 8, 9a
13 Lahat ng nasa sanlibutan . . . ang pita ng mga mata . . . ay hindi mula sa Ama, kundi mula sa sanlibutan.—1 Juan 2:16. b 4/1/85 10, 12
14 Sa pamamagitan ng lahat ng anyo ng panalangin . . . magsipanalangin kayo sa bawat pagkakataon sa espiritu.—Efe. 6:18. b 4/15/85 17-19a
15 Ibigin ninyo ang buong pagkakapatiran.—1 Ped. 2:17. b 5/1/85 11, 14, 15a