Pang-araw-araw na Teksto Para sa Setyembre
1 Lubusang ganapin mo ang iyong ministeryo.—2 Tim. 4:5. b 6/15/85 18, 19a
2 May isang katawan, at isang espiritu, . . . isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo; isang Diyos at Ama ng lahat, na nasa ibabaw ng lahat at sumasa-lahat at nasa-lahat.—Efe. 4:4-6. b 9/1/84 7-10
3 Si Kristo Jesus . . . nagbigay ng kaniyang sarili para sa atin upang kaniyang matubos tayo buhat sa lahat ng uri ng kasamaan at linisin para sa kaniyang sarili ang isang bayan na tanging kaniya, na masikap sa mabubuting gawa.—Tito 2:13, 14. b 5/15/85 2-4a
4 Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.—Mat. 5:3. b 5/1/85 12, 13
5 Bagaman ginagamit mo ang sanlibutan, huwag sikaping kunin dito ang lahat ng maaari mong kunin, sapagkat ang sanlibutang ito sa kasalukuyang anyo ay lumilipas.—1 Cor. 7:31, The New Testament in the Language of Today. b 4/1/85 8, 9a
6 Ang taong bulag ay hindi makaaakay sa taong bulag, di ba? Hindi ba kapuwa sila mahuhulog sa hukay?—Luc. 6:39. b 2/15/85 17, 18b
7 Sinabi ni Jehova sa kaniya: “Pumaroon ka sa gitna ng lunsod, sa gitna ng Jerusalem, at maglagay ng tanda sa mga noo ng mga taong nagbubuntung-hininga at nagsisidaing dahil sa lahat ng kasuklam-suklam na ginagawa sa gitna niyaon.”—Ezek. 9:4. b 6/15/85 17, 18a
8 Ang iyong Diyos ay naging hari!—Isa. 52:7. b 7/1/84 6, 12, 13
9 Manindigan kayo laban sa kaniya, matatag sa pananampalataya . . . Pagkatapos na kayo’y magbata nang sandali, ang Diyos ng lahat ng di-sana nararapat na awa . . . kaniyang patitibayin kayo, kaniyang palalakasin kayo.—1 Ped. 5:9, 10. b 4/15/85 2-4
10 Ito ang pagtitiwala natin sa kaniya, na, kung tayo’y humihingi ng anumang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, kaniyang dinidinig tayo.—1 Juan 5:14. b 2/1/85 19, 20a
11 Manatiling nagbabantay, sapagkat hindi ninyo nalalaman kung kailan paririto ang panginoon ng bahay.—Mar. 13:35. b 6/1/85 7a
12 Mag-ingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang kundi gaya ng marurunong, na sinasamantala ang karapat-dapat na panahon para sa inyong sarili, sapagkat ang mga araw ay masasama.—Efe. 5:15, 16. b 5/15/85 18-20
13 Ang pag-ibig ay hindi nananaghili, ito’y hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.—1 Cor. 13:4. b 7/15/84 12, 14a
14 Yaong inyong sinasamba nang wala kayong malay, ito ang ibinabalita ko sa inyo.—Gawa 17:23. b 2/15/85 11-13b
15 Ipangaral mo ang salita, gawin mo ito agad-agad sa kaaya-ayang panahon, sa maligalig na panahon, sumaway ka, magbigay ka ng pangaral, magpayo ka, nang may buong pagbabata at sining ng pagtuturo.—2 Tim. 4:2. b 5/1/85 4, 5